THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Saturday, July 4, 2009

FLAVOURS OF CHINA YUMMY



Monday, June 29, 2009

Take a break and enjoy the jokes ...

Bakit malungkot ang kalendaryo? - Kasi bilang na ang araw niya.Eh bakit masuwerte naman ang kalendaryo? - Dahil marami siyangdate.Grabe talaga ang mga iba diyan. Mahirap intindihin...... sakanilaang malambot "SUP", ang sabaw "SUP", ang sabon "SUP" pa rin.How should COFFEE and your BOYFRIEND be alike?1) He has to be rich2) He has to be hot3) He has to keep you up all night!



ilocano txt joke... TEACHER: Late ka n nmn juan! lagi ka na lang ganyan! cge tatanungin kita! hu is r national hero? JUAN: Jose Rizal ma'am.. TEACHER: tsamba u lang yan! JUAN: e ma'am kilala u ba si Petra? TEACHER: ndi bakit? JUAN: kitam! suru ka nga suro! kabit lang ni lakay mo ket dimpay ammo.. duldug ka a maestra.... Translation (kita mo! Turo ka ng turo! Kulasisi ng asawa mo hindi mo alam… bobo kang teacher ka…)

Thursday, May 28, 2009

Break-Up

LONG DISTANCE LOVE AFFAIRPedro sent Letter of Break-up to his Girlfriend:Message: "Dear Maria,Im sorry but this long distance relationship ofours is not working for me. In fact I cheated on you twicesince I arrived in this foreignh country. Can you please return mypicture that I gave you???"Maria was of course very hurt and insulted at thesame time. What she did though was what any strongwoman woud do. She collected all the male pictures she could get from in-laws,friends etc..etc..then she wrote to Pedro:"Dear Pedro,Yes I agree its not working out. As you can see Ihave sent you loads of pictures.Can you pick out which one is yours? I dont quite remember what you look like?!"Hehehehe, got an Idea ladies......?

Mahirap ba talaga sa PInas?

ula ng nag abroad ako, halos lahat ng mga kakilala ko na nagbakasyon sa pinas, pag balik nila dito, ang bungad nila "ang hirap ng buhay sa atin...ang mahal ng bilihin, ang daling maubos ng pera...at kung ano ano pang hirap na inabot nila sa pinas habang nka bakasyon" Kung papakinggan mo lang..matatakot ka na umuwi sa pinas sa sobrang hirap ng buhay..pero ganun ba talaga un? mahirap nga ba talaga sa pinas? para sa akin dpende kung ano ang meron ka ngayon compare mo nung nasa pinas ka pa. hindi tutoo na mahirap ang buhay sa pinas...tayo lang ang gumagawa ng ipaghihirap ng buhay natin dun. bakit ba tayo nag abroad? kasi para sa mas malaking sahod. pero hindi dahil mahirap sa pinas. kung mahirap sa pinas....bakit maraming tindera sa palengke, driver, waiter lang sa pinas na nakakapagtapos ng mga anak nila sa college, kahit na wala sila sa abroad? kasi simple lang pangangailangan nila. sino ba nagpapahirap ng lagay natin..minsan tayo rin kasi mas marami na tayong gusto.hindi na simpleng buhay ang gusto natin. at the end, kung nasaan ang opportunity mo dun ka mag trabaho. syempre samahan ng dasal, at swerte. sa pinas man o sa abroad, pareho lang mahirap. iba iba naman ang storya. kahit ano man ang marating natin, gaano man kalaki sahurin natin sa abroad. pinakamasaya pa rin ang nasa pinas kasama ang pamilya.

mga tanong????

Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit walang kapalit??? naisip mo na ba iyon? kala mo okay lang... pero sobrang hirap...

Masarap magmahal hindi ba? Kahit ikaw, hindi ka sigurado sa pag-ibig ng taong mahal na mahal mo... Minsan iniisip mo nalang na pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat... Sana nga!!! Nang hindi ka naman mukhang tanga na umaasa sa wala...

Minsan din ang sarap-sarap isipin na minamahal ka ng taong mahal mo!!! yung tipong kayo na lang sana at hindi ang lalak o babaeng nakikita mong kasama nya na masaya at akala ang buong mundo ay kanilang kanila...

Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan... yung tipong masaya pa kayo, parang mga batang walang problema... kung meron man parang, against all odds ang settings... pero may nakabitin pa ring tanong... ano kayang nangyari??? pero ang kadalasang kasagutan e:

1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na puro nalang kami away;
8. masyado nya kong sinasaktan;
9. nagsawa na sya sakin;

pero ito pinaka masakit;

10. hindi pala nya talaga ako mahal (parang panakip butas).

Grabe hindi ba??? Pero kailan kaya natin maririnig na nagpapasalamat ang isang umiibig sa taong nakasakit at sinaktan sya??? minsan naisip din kaya natin kung ano ang kahalagahan ng isang bagay??? Yung kailangang bigyan ng halaga habang nandyan pa! Minsan kasi, tsaka lang natin nalalaman ang kahalagahan ng isang bagay pag wala na ito sa atin!!!

kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi, kinikilos, ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao kayang tanggapin kung ano at paano natin ginagawa ang isang bagay!!! subukan nating magpasalamat sa kabila ng lahat...

A. kung sinaktan ka nya... magpasalamat ka dahil sya ang da

MGA GINTONG PAYO

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. "Kung
kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng
sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM. "Tingnan
mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain
mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang
dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang
alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. "Tumigil ka
nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng
ENVY. "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat
at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng
RECEIVING. "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR. "Kapag naputol
yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo
sa akin at lulumpuhin kita!"

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE. "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"

Wednesday, May 27, 2009

MY TOP TEN BLOG LIST

Here is my entry to The Top 10 Emerging Influential Blogs for 2009.

This writing project will not be possible without the support of sponsors such as Absolute Traders, My Brute Cheats, Business Summaries, Fitness Advantage Club, and Blog4Reviews.com.

OFW

ay natanggap akong sulat galing sa aking kasamahan sa simbahan. Nais kong ibahagi sa inyo para malaman naman ng ating mga pamilya at kapya OFW na ang ating pagi - ibang bansa ay di basta basta lang.

Ito ang kanyang pinasang sulat sa akin .....


Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..

Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have=this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A=regular OFW might earn from P20K-P300K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya=karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap=maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides= wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit=hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit,=nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically= emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family the= left behind.

Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring=ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"<=R>
Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ang OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara.=Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal pa ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except '=ag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintin=ihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "da=, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka=na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng=lahing PILIPINO!!!