THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Thursday, May 28, 2009

Mahirap ba talaga sa PInas?

ula ng nag abroad ako, halos lahat ng mga kakilala ko na nagbakasyon sa pinas, pag balik nila dito, ang bungad nila "ang hirap ng buhay sa atin...ang mahal ng bilihin, ang daling maubos ng pera...at kung ano ano pang hirap na inabot nila sa pinas habang nka bakasyon" Kung papakinggan mo lang..matatakot ka na umuwi sa pinas sa sobrang hirap ng buhay..pero ganun ba talaga un? mahirap nga ba talaga sa pinas? para sa akin dpende kung ano ang meron ka ngayon compare mo nung nasa pinas ka pa. hindi tutoo na mahirap ang buhay sa pinas...tayo lang ang gumagawa ng ipaghihirap ng buhay natin dun. bakit ba tayo nag abroad? kasi para sa mas malaking sahod. pero hindi dahil mahirap sa pinas. kung mahirap sa pinas....bakit maraming tindera sa palengke, driver, waiter lang sa pinas na nakakapagtapos ng mga anak nila sa college, kahit na wala sila sa abroad? kasi simple lang pangangailangan nila. sino ba nagpapahirap ng lagay natin..minsan tayo rin kasi mas marami na tayong gusto.hindi na simpleng buhay ang gusto natin. at the end, kung nasaan ang opportunity mo dun ka mag trabaho. syempre samahan ng dasal, at swerte. sa pinas man o sa abroad, pareho lang mahirap. iba iba naman ang storya. kahit ano man ang marating natin, gaano man kalaki sahurin natin sa abroad. pinakamasaya pa rin ang nasa pinas kasama ang pamilya.

0 comments: